Wednesday, April 9, 2008

ANTOK

gumising ako kanina na antok na antok, yan tuloy di ko naabutan yung sinasakyan kung FX pass 8 na kasi kanina, nag antay ako mga 15 mins kaso mga punuan na tapos puro landmark pa ang signboard. nagtanung ako sa barker sa may buting kung san yung pila papuntang taft, eh taena ang labo naman ng tinuro nya, nakakainis, sumakay na lang ako ng jeep kaso traffic din sa bandang kalayaan pagpasok sa guadalupe parang pagong ang usad, 9 na ako naksakay ng mrt takbo pa ako kasi papaalis na kaya tulo pawis ako hehehehehehe, paglipat ko ng lrt parang tuliro ako kasi sabi ko sa nagbebenta ng card "isa nga pong TAFT" inulit ko pa yun ng dalawang beses, hehehehehe tapos bigla akong nagising ay sa pedro gil pala kakung ganun sabay sorry hehehehehe buti na lang wala akung kasunod sa pila.

nakalog in ako 9:24 ata late na late na, kaltas na naman sa suweldo yun, kakainis, eto ako ngayon sa opisina nag busy busy han. inaantok kasi ako gusto ko ng matulog ang bnigat bigat na ng talukap ng mata ko, till next tym ulit "hhhaaaaaaaaaaaaaaaaaghhhhhghghghghg" hikab yan.

No comments: